|
Paglilinaw ukol sa Kamatayan ni Plaridel
“Ang kamatayan ni Plaridel ay kailangang baliktawin natin upnag muling malaman ang kahulugan ng pagmamartir. Martir din kayang masasabi ang bawian ng buhay ng nag-iisa tulad niya? Namatay siya noong Hulyo 4, 1896 sa isang sanatorium sa Barcelona, Espanya habang nakaupo at pilit pa ring nagsusulat. Natagpuan siyang lupaypay ang katawan , bunga ng kakulangan sa pagkain at pagod, isang kamatayang binigyan ngpaglalarawan sa isang rebulto ng pambansang manlilikhangsi GuillermoTolentino."---Dr. Jaime Veneracion
Pangkaraniwan na ang ganitong kuwento sa buhay ni Plaridel upang maihanay o kahit na maiagapay man lang sa madulang kamatayan ni Rizal. Ginamit ng mga ibat-ibang historyador at naipasalin na sa mga sumunod na henerasyona ang salaysay na ito tungkol sa kamatayan ni Plaridel. Ngunit ano nga ba ang magiging implikasyon nito sa kasaysayan? Sa ganitong paglalarawan tila na pabayaan si Plaridel ng kanyang mga kasama partikular na ni Mariano Ponce, sampu ng kanyang mga kamag-anakan at mga kaibigan sa Espany, tila halos walang nakaramay sa kanyang pagdadalamhati.
Hindi namatay sa gutom si Plaridel Espanya
Sa pamamagitan ng pakikipagsulatan ni Plaridel sa kanyang asawa na nailatag ngpag-aaral na ito. Hindi maitatangi na nasalat si Plaridel at nahirapan sa panahon na humihingi siya ng tulong sa kanyang mga kasama at mga kamag-anakan.May tiyempo lamang na siya ay nagipit ngunit hindi naman ito nanatili hanggang siya ay namatay. Sa katunayan nagpadala sila Deodato Arellano mula sa kanyang mga kaibigan at kamag-anakan sa Bulacan at nangako naman si Mabini na papadalhan sila ng pera sa para kanilang pagbiyahe ni Mariano Ponce. Kaya malabong bago siya umuwi ay nanatili ang kanyang kasalatan. Mayroon pang salapi na manggagaling kay Ape na hindi ipinadala kay Plaridel dahil sa bilin nitong gamitin na lang ng kanyang pamilya. Ang lohika ng mga pangyayaring ito, kung gipit pa si Plaridel di sin sana’y iniutos niya pa ang nasabing salapi.
Nagipit ang kalagayan ng La Solidaridad dahil sa maraming pagbabago ang naganap; sa perspektibo ng ilang mga sumusuporta sa kanila; kahigpitan ng seguridad ng pagpapadala ng Soli sa bansa at ang maraming pag-uusig na ginagawa ng mga praile at pamahalaang Kastila sa sinomang mapaghihinaalan at mapapatunayang kabilang sa Masoneriya anomang subersibong samahan. Ngunit si Plaridel ay nakaraos sa kagipitan nyang pang personal. Sa kanyang mga huling sulat ay hindi katulad ng mga taong 1892-1893 na talagang nagdaramdam siya ng kawalang tulong na dumarating sa kanyang paghingi ng saklolo. (mahirap nga naman maiwan sa laban na mag-isa)
Hulyo 4, 1896—Kamatayan ni Plaridel
Enero nang makarating sina Ponce at Plaridel sa Barcelona. Nakatakdang silang bumiyahe patungong Hong Kong noong Pebrero,1896. Ito marahil ang bilin nila Apolinario Mabini kung saan sila dapat pumuntang lugar paglisan nila sa Espanya. nang umatake ng malubha ang kanyang karamdamang Tuberculosis. Dahil dito, hindi na nakasampa ng barko ang dalawang bayani.
Buwan ng Hunyo 20, 1896 pinasok sa at nailagay sa surgical section si Plaridel ng Hospilal de la Santa Cruz ngunit walang operasyon na ginawa sa kanya. Kalaunan inilipat siya sa Medical Section.
Hulyo 4, 1896, namatay si Plaridel mula sa sakit na tuberculosis generalizada sa edad na 45. Ayon sa ulat ng isa pa nilang kaibigan na nagngangalang Fernando Canon posibleng kasama rin nito si Mariano Ponce upang antabayanan si Plaridel. Ayon kay Ponce taong 1895 nangsimulang magkasakit si Plaridel lumala ito noong Pebrero , 1896 at napagilan ang kanilang pagbiyahe.
Ang Hospital de la Santa Cruz ay nasa Calle del Hospital, sa pagitan ng mga kalye Cervello at Egipiciacas. Ito ay tinatag noong ikalabing tatlong siglo at mayroong mga departamento ng Medisina at Siruhano, kaya rin nitong tumanggap ng 600 pasiyente.
Ang kanyang kamatayan ay nakatala sa Civil registry sa Distrito del Hospital of the City of Barcelona ganito ang mga nakatalang impormasyon;
1. In the City of Barcelona, at 9:45 a.m. of July 4, 1896. Before me, D. Jose Ricardo Ventosa, Municipal Judge of the Distrito del Hospital, and D. Juan Bautista Sauras, Secretary, there appeared D.Rose Rubio, born in Vilosell, province of Lerida, of Legal aga, married,employee, residentin the Calle del Hospital, n56, first floor, manifesting that D. Marcelo H. del Pilar Gatmaitan, native of Bulacan,province of Ultramar, aged 45, with residence in Calle San Pablo, n.30, first floor, died at 1:15, in the night of this day in the residence(?) of the deponent, as a consequence of generalized tuberculosis, o which he gives due information, as the person in charge.
(Other circumstances)- That the deceased was married to Marciana del Pilar, origin unknown: that he was son of Julian del Pilar and Dona Blasa Gatmaitan, origins unknown. There si no record that he left a testament.
The body will be interred in the Southwest Cemetery.
Ang mga tala naman sa Hospital de la Santa Cruz na nagpapatunay sa kamatayan ni Plaridel sa dalawang aklatarang pangrehistro: ang isa ay sa Libro de Defunciones at ang ikalawa naman ay sa Registro de Entradas de Enfermos. Sa Libro de Defunciones nakatala sa taong 1896 ganito ang mababasa sa wikang kastila:
9. De Pilar Gatmaitan, Marcelo
A los ceurtro de Julio de mil ochocientos neventa y seis, a la una y cuarto de la madrugada, en este Hospital de La Santa Cruz de Barcelona, fallecio de muerte natural Marcelo del Pilar y Gatmaitan, natural de Bulakan (Ultramar), vecino de Barcelona, decuarenta y cinco anos de edad, periodista, casado con Marciana del Pilar, hijo de Julian y Blasa. Reibio los Santos Sacramentos. Fue sepultado en el Cementerio de Sud-Oeste-_Esteban Teixido, Presbitero, Prior.
Ang ikalawang sertipiko ng kamatayan ni Plaridel ay naibigay noong 1995 sa Archdiocesan Archivist ng Barcelona.
Mas detalyadong impormasyon naman ang nakatala sa Registro de Entradas de Enfermos sa nabangit paring hospital. Narito ang mga impormasyong nakasaad:
( CHECK IN)
Year 1896
Month June
Day 20
Entry Number 2041
Name and Surname Marcelo del Pilar
Place of Origin Bulacan
Province Ultramar (Overseas)
Residence Barcelona
Street San Pablo
Number 30
Floor First
Age 45
Profession Journalis
Status Married
Father’s Name Julian
Mother’s Name Blasa
Ward C. (Cirugia, Surgery)
(DISCHARGES)
Month July
Day 4
Particular Ward T (Santo Tomas)
Bed Number 11
Death or exit Death
Death’s Time 1.1/4am. (one and quarter morning)
Sacraments V. Viatico
E (Extreme Unction)
Observations Filipino
Dalawa ang gumamit na ng dokumento nito si Dr Bantug at Noberto Romualdez noong 1920 sa mga panahong inaayos nito na maiuwi ang mga labi ni Plaridel sa ating bansa.
Ayon naman kay Dr. Bantug noong 1910, ang medico na tumingin kay Plaridel ay si Dr. Bellini.
Dr. Jose P. Bantug, while passing through Barcelona, took the following notes from the books of the hospital where Del Pilar received medical treatment:
"Extenuated by the disease which had been undermining that iron constitution (Del Pilar's) for some time, he was taken to the Sta. Cruz Hospital in Barcelona. At the beginning he was in the surgical ward, but, seeing that all surgical intervention was useless, they transferred him to the medical ward, the Sala de Santo Tomfs, Bed No. 11.
In this ward, distant from the beautiful country "where he had left pieces of his heart", he died, according to Dr. Bellini, who treated him during his last days, of general tuberculosis, at a quarter past one in the morning of July 4, 1896."
The death certificate is as follows:
A stamp: "12th Class-10 Cents."-B-6.640.339.
D. JULIAN CASANOVAS.Y VILLA,
Presbyter licensed in Sacred Theology,
Receiving Officer of this Sta. Cruz Hospital, Barcelona.
I CERTIFY: That in one of the record-books of deaths on file in this office, there appears the following entry:
"On July fourth, eighteen hundred and ninety-six, at a quarter past one o'clock in the morning, in this Sta. Cruz Hospital, Barcelona, there died, of a natural death, MARCELO DEL PILAR GATMAYTAN, a native of BULACAN (overseas), resident of Barcelona, forty-five years of age, journalist, married to MARCIANA DEL PILAR, daughter of JULIAN AND BLASA.
He received the holy sacraments. He was buried in the south-west cemetery.
-(Sgd.) ESTEBAN TEIXIDO,
Presbyter. Prior."
A true copy. Barcelona, July twenty-ninth, Nineteen hundred and ten.
(Sgd.) JULIAN CASANOVAS.
Prbr.
Seal: "Hospital de Sta. Cruz," "Barcelona."
Base sa tala ni Dr. Bantug na sinipi ni Epifanio Delos Santos, hindi maaring namatay na mag-isa si Plaridel sa kanyang lugar. Sapagkat may Doktor na tumingin sa kanyang mga ilang araw at nadala pa siya sa surgical ward subalit wala na rin itong nagawa dahil malubha na ang karamdadaman ni Plaridel. Malinaw na hindi namatay na mag-isa si Plaridel at lalong hindi siya namatay ng Gutom.
Categories: None
The words you entered did not match the given text. Please try again.
url=http://seeknet.pl/ says...co to jest dna? co to jest dna moczanowa i jakie sa objawy
http://seeknet.pl/
url=https://englishessayhelp.com/ says...
argumentative essay topics
url=https://essayhelp-usa.com/ says...
write my paper
url=https://essayhelp-usa.com/ says...
essay writing services review
Oops!
Oops, you forgot something.